
Inilarawan ng award-winning Kapuso child actor na si Euwenn Mikaell bilang "cool at caring" ang co-star na si Nadine Samonte, na gumaganap niyang nanay sa Forever Young.
Habang "matapang na seryoso" naman ang naging description ni Euwenn sa tatay-tatayan na si Alfred Vargas.
"Si Tito Alfred parang matapang na seryoso kapag nagsasalita. Parang mas maganda pa siya magsalita sa akin sa buong show. Ano siya [malaki ang boses]," kuwento ng 11-year-old child actor sa Updated with Nelson Canlas.
Pagpapatuloy niya, "Si Ate Nadine, cool, caring siya. Hindi ko makakalimutan 'yung binigay nila sa akin ni Tito Alfred na [boxes] ng SPAM."
Ibinahagi rin ni Euwenn kung sinu-sino ang paborito niyang kakulitan sa set ng Forever Young. Aniya, "Si Kuya James [Blanco], Kuya Bryce [Eusebio], Ms. Eula [Valdes], Tito [Michael De Mesa]."
Sa Forever Young, napapanood si Euwenn bilang Rambo Agapito, habang gumaganap naman na mga magulang niya sa serye sina Alfred at Nadine bilang Gregory at Juday.
Abangan ang Forever Young, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Pakinggan ang buong interview ni Euwenn Mikaell sa "Update with Nelson Canlas" dito:
MAS KILALANIN SI EUWENN MIKAELL SA GALLERY NA ITO: