
Kabilang ang Forever Young star na si Euwenn Mikaell sa Sparkle artists na dumalo sa Masterclass on Acting in Film ng award-winning filmmaker na si Direk Laurice Guillen.
May bagong pelikulang ginagawa ngayon ang award-winning Kapuso child actor kung saan makakasama siya sa upcoming GMA Pictures film na Samahan ng mga Makasalanan.
Present si Euwenn nang mag-shoot ang pelikula sa Ilocos Sur kung saan dito rin niya ipinagdiwang ang kanyang 12th birthday.
Sa interview kay Aubrey Carampel ng 24 Oras, ibinahagi ni Euwenn kung ano ang kanyang birthday wish, at ito ay ang maging mayaman.
"Ang wish ko maging mayaman para makabili po ng bahay. Malapit na po 'yan, malapit na," masayang sabi ng batang aktor.
Samantala, kasalukuyang napapanood si Euwenn sa kanyang unang TV lead role bilang Rambo Agapito sa Forever Young.
Abangan si Euwenn sa Forever Young, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
MAS KILALANIN SI EUWENN MIKAELL SA GALLERY NA ITO: