GMA Logo Sparkle stars
Courtesy: sparklegmaartistcenter (IG)
What's Hot

Young Sparkle artists, sumabak sa Masterclass on Acting in Film ni Direk Laurice Guillen

By EJ Chua
Published January 22, 2025 10:12 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Sparkle stars


Present sa Masterclass on Acting in Film ni Direk Laurice Guillen ang ilang Sparkle stars!

Dumalo ang young Sparkle artists sa Masterclass on Acting in Film ng batikang aktres at direktor na si Direk Laurice Guillen.

Spotted sa event ang award-winning child star na si Euwenn Mikaell na kasalukuyang napapanood bilang bida sa GMA's inspirational family drama na Forever Young.

Present din dito ang 20-year-old actress at Forever Young co-star ni Euwenn na si Althea Ablan.

Hindi rin pinalampas ng former Pulang Araw child star na si Cassy Lavarias ang makabuluhang event na ito.

Sa Chika Minute report sa 24 Oras nitong January 21, inilahad ni Direk Laurice na mayroon pang mahahalagang bagay na dapat matutuhan ang young artists bukod sa pag-arte.

Ayon sa kanya, “It is my experience kasi na when I am directing, there are lots of fundamental things na hindi alam ng artista… knowing where the camera is, anong size ng shot.”

A post shared by Sparkle Workshops (@sparkleworkshops)


Samantala, ang naturang event na pinangunahan ni Direk Laurice ay ang first workshop ng Sparkle stars ngayong 2025.

Related gallery: IN PHOTOS: SpARkle 101 Professionalism and Work Ethic Workshop with Alden Richards