
Mahusay na ipinaliwanag ng award-winning Kapuso child actor na si Euwenn Mikaell ang kakaibang kondisyon ng kanyang karakter sa Forever Young sa interview kay Nelson Canlas ng 24 Oras noong Lunes, October 21.
Sa inspiring family drama, gumaganap si Euwenn bilang Rambo Agapito, isang 25-year-old na may rare medical condition na tinatawag na panhypopituitarism, na nakaapekto sa kanyang paglaki.
"This sakit po na 'to ay tumor po siya na hindi ka pinapalaki niya kasi bina-block niya po 'yung growth hormones po natin, kaya ang tao po maliit lang po," sabi ni Euwenn.
"Pero iba po ang dwarfism at iba rin po itong panhypopituitarism," dagdag ng batang aktor.
Noong Lunes, napanood na ang pilot episode ng Forever Young kung saan nasaksihan ang marahas na kompetisyon sa politika ng pamilya nina Eduardo Malaque at Esmeralda Vergara.
'Forever Young' pilot episode, panalo sa ratings; umani ng papuri mula sa netizens
Panalo rin sa ratings ang unang episode ng Forever Young kung saan nakapagtala ito ng 7.1 percent na TV ratings base sa preliminary/overnight data ng NUTAM People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.
Subaybayan si Euwenn Mikaell sa Forever Young, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
MAS KILALANIN ANG CAST NG FOREVER YOUNG SA GALLERY NA ITO: