
Napapanahon at tiyak na kapupulutan ng aral ang pinakabagong afternoon series ng GMA na Forever Young.
Simula Lunes, October 21, bibida na tuwing hapon ang award-winning Kapuso child actor na si Euwenn Mikaell sa isang inspiring role bilang Rambo Agapito.
Sa kuwento, gaganap si Euwenn bilang isang 25-year-old na tatakbo bilang isang mayor. Mayroon siyang kakaibang kondisyon na tinatawag na panhypopituitarism, na makakaapekto sa kanyang paglaki.
RELATED GALLERY: The 'inaugural' media conference of 'Forever Young'
Bukod dito, napapanahon ang kuwento ng Forever Young dahil matatalakay rin sa serye ang usaping eleksyon.
"Sa pagiging mayor, siguro pagtulong lang talaga at leadership para sa mga tao," in character na sabi ni Euwenn Mikaell sa interview ng 24 Oras.
Makakasama ni Euwenn Mikaell sa Forever Young sina Michael De Mesa, Eula Valdes, Rafael Rosell, Alfred Vargas, Nadine Samonte, James Blanco, Matt Lozano, Dang Cruz, Althea Ablan, Princess Aliyah, Bryce Eusebio, at Abdul Raman.
Abangan ang world premiere ng Forever Young, simula October 21, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Panoorin ang buong interview ni Euwenn Mikaell sa 24 Oras sa video na ito: