Showbiz News

Julie Anne San Jose, Benjamin Alves, LJ Reyes at Martin del Rosario, pinagkaguluhan sa kanilang show sa Cebu!

By BEA RODRIGUEZ



Dinagsa ng mga Cebuanos ang Pit Senyor, Kapuso mall show nina Pinulot Ka Lang sa Lupa stars Julie Anne San Jose, Benjamin Alves, LJ Reyes at Martin del Rosario kahapon, January 13 sa Gaisano Capital South at The Terraces, Ayala Center Cebu.



Pinagkaguluhan at sinalubong ng tili at hiyawan ang ating Kapuso stars nang mag-perform sila para sa kanilang Cebuano fans.
 
Halos hindi makanta ni Benjamin ang “Crazy For You” dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga dumalo sa mall para makita siya.

 
Saad ng Kapuso leading man sa panayam ng GMANetwork.com patungkol sa kanyang bisita sa Cebu, “Masayang-masaya [ako]. First time ko mag-Sinulog, [and] I hope I can attend annually.”
 
Ang hit songs naman ng The Chainsmokers na “Closer” at “Don’t Let Me Down” ang pasabog ni Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose para sa kanyang fans.


 
Nagulat naman ang isang fan na inimbita at kinantahan ni Martin ng “Thinking Out Loud” sa stage dahil sa natanggap nitong halik sa pisngi na ikinakilig ng mga tagahanga.

 
Ang fun at hip song na “Call Me Maybe” naman ang pina-sample ni LJ sa mga Cebuanos.

 
Bukod sa special performances, inihandog rin ng Kapuso stars ang kanilang upcoming remake ng Pinulot Ka Lang sa Lupa series sa GMA Afternoon Prime ngayong January 30 na!
 
MORE ON 'PINULOT KA LANG SA LUPA':
 
WATCH: ‘Pinulot Ka Lang sa Lupa’ stars Julie Anne San Jose at Martin del Rosario, dinayo ng libo-libong fans sa Ati-Atihan Festival show
 
READ: Julie Anne San Jose, LJ Reyes at Benjamin Alves, hindi pressures sa remake ng ‘Pinulot Ka Lang sa Lupa’
 
LOOK: Cast ng ‘Pinulot Ka Lang sa Lupa,’ ipinakilala na!