WATCH: Regine Velasquez-Alcasid, kinakabahan sa nalalapit na 30th anniversary concert
Published On: October 09, 2017, 02:35 PM
Updated On: October 09, 2017, 02:44 PM
Maraming pasabog ang inihahanda ni Asia’s Songbird Regine Velasquez sa kanyang nalalapit na 30th anniversary concert na 'R 3.0' ngayong October 21 at 22 sa Mall of Asia Arena.
30 taon na siyang umaawit pero pag-amin ng Kapuso star na kinakabahan pa rin siya, “Ninenerbyos pa ako [at] mas nape-pressure pa ako, but it’s all part of doing a concert.”
Araw-araw na sinasanay ni Ate Reg ang kaniyang boses, “It really works my vocal chords.”
Bago sumabak sa entablado ang beteranang singer-actress, “Prayers lang ang lucky charm ko.” Mayroon pa siyang mantra, “Sing for me, Lord or sing with me, Lord."
Video courtesy of GMA News