Showbiz News

WATCH: Dingdong Dantes, Marian Rivera at iba pang Kapuso stars, makikiisa sa 'The Color Run Hero tour'

By Gia Allana Soriano

Gaganapin ang "The Color Run Hero Tour" fun run ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ngayong November 18.

Ayon kay Dingdong, sinusuportahan nito ang I Am Super campaign kung saan tuturuan din nila ang mga bata from public schools ng mga disaster preparedness tips.

Very proud naman si Yan sa kanyang asawa dahil sa mga natutulungan nito. Aniya, "Nakaka-proud kasi alam mo 'yung ginagawa niyang lahat para makatulong especially sa mga kabataan. At hindi dahilan ang mga sakuna sa bansang ito para hindi makapag-aral ang mga batang iyun."

Kabilang sa "The Color Run Hero tour" ang mga Kapuso stars na sina Paul Salas, Aira Manalo, Manolo Pedrosa, Marika Sasaki at Sanya Lopez.

Panoorin ang buong report sa 24 Oras: