Showbiz News

WATCH: Alden Richards, pinasaya ang fans sa kanyang birthday concert

By Cara Emmeline Garcia

Napuno ng hiyawan at tilian ang Enchanted Kingdom noong January 4 nang mag-celebrate si Asia's Multimedia Star Alden Richards ng kanyang birthday doon.

Punong-puno ang amusement park ng Aldenatics na gustong mapanood ang kanilang idolo kasama ang kanyang mga kaibigan na sina Kristoffer Martin, Jayson Abalos, Betong Sumaya, Yasser Marta, Paul Salas, Jon Lucas, at Prince Clemente na mag-perform on stage.

Kasama pa sa birthday concert ang The Gift stars na sina Thia Thomalla at Ysabel Ortega na sumayaw at kumanta kasama ang birthday boy.

Sa sunud-sunod na blessings na natanggap ni Alden, ano kaya ang hiling niya ngayong bagong taon?

Kuwento ni Alden, isa sa mga hiling niya ay ang makapiling ang kanyang buong pamilya habang nagpe-perform on stage.

“Gusto ko talagang mag-perform yung family ko with me. My dad, my sisters, and kung makauwi man 'yung brother ko I want them to be performing with me --hindi lang as an audience.

“I want them to be with me.”

Dagdag pa nito ay gusto niyang magkaroon pa ng maraming proyekto abroad at magkaroon ng time sa love life.

“In terms of career, sana international projects this year --more movies.

“Siguro personal, siyempre good health and love life.”

Panoorin ang buong chika ni Cata Tibayan:

IN PHOTOS: Meet Alden Richards's sister, Riza Faulkerson

WATCH: Feng shui expert shares 2020 predictions for Alden Richards, Heart Evangelista and other stars