
Solong rumampa si Rita Daniela sa red carpet ng GMA Thanksgiving Gala, ngunit maituturing niyang may date siya.
Bakas sa mukha ni Rita ang kanyang saya sa kauna-unahang GMA Thanksgiving Gala, kung saan suot niya ang gown na gawa ni Joseph Palma.
"I'm so happy because I'm not actually attending alone tonight, I have a date, and it's here, it's inside me," masayang saad ni Rita sa GMANetwork.com.
Inanunsyo ni Rita na nagdadalang tao siya sa All-Out Sundays noong June 26. Ang ama nito ay ang kanyang non-showbiz boyfriend.
Kasabay nito ay nagsulat din siya ng mensahe para sa kanyang magiging anak.
"My child, You came just in time. You are God's greatest gift to me. You give me hope to make more dreams COME true. I shall do anything and everything that's best for you. Always."
SAMANTALA, BALIKAN DITO ANG ILANG SANDALI SA GMA THANKSGIVING GALA: