Showbiz News

Jillian Ward, dumalo sa isang Christmas tree lighting event

By Maine Aquino

Isang maagang Christmas event ang dinaluhan ni Jillian Ward sa Quezon City.

Nakita ang Abot-Kamay na Pangarap star sa ginanap na Christmas Tree lighting event sa Gateway Mall noong November 5.

Nakasama rin ni Jillian sa araw na 'yon ang reigning Binibining Pilipinas queens na sina Chelsea Fernandez, Nicole Borromeo, at Gabrielle Camille Basiano.

Bukod sa tree-lighting event, nag-perform rin si Jillian para sa mga dumalo sa araw na ito.

TINGNAN ANG SIMPLE AT CHARMING LOOKS NI JILLIAN: