GMA Logo Aiai Delas Alas at Miguel Vera
Image Source: migsvera (Instagram)
What's Hot

Ex-couple Aiai Delas Alas at Miguel Vera, may reunion show sa Amerika

By Nherz Almo
Published December 17, 2022 9:37 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Aiai Delas Alas at Miguel Vera


Bukod sa pag-awit, ayon kay Aiai Delas Alas, makikita rin daw ng mga manonood ng 'Ang Dating Kami' ang funny side ni Miguel Vera.

Masayang ibinalita ni Aiai Delas Alas na magkakaroon siya ng show kasama ang dating asawa na si Miguel Vera, na gaganapin sa San Francisco, California, sa January 21, 2023.

Sa ginanap na pocket press conference para kay Aiai nitong Miyerkules, December 14, excited na ikinuwento ni Aiai ang pagbuo nila sa musical-comedy show na Ang Dating Kami.

Pag-alala niya, “Di ba, nag-show ako para sa GMA Pinoy TV? Nanood siya. 'Tapos natuwa siya, parang na-miss daw niya ang mag-show kaya inalok niya ako, 'Halika, mamey, mag-show tayo.” Sabi niya, parang na-miss niya 'yung entablado.”

Isang post na ibinahagi ni AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)

Isang post na ibinahagi ni Miguel Vera (@migsvera)

Sabik siya sa naturang show dahil, ani Aiai, “First time ulit naming magsasama sa isang show. Hindi ko na matandaan [yung huli]. Parang ang pagsasama namin guesting-guesting lang pero never kaming nagkaroon ng back-to-back.”

Ayon kay Aiai, siguradong matutuwa ang mga manonood dahil tulad niya, magaling din magpatawa ang “Nais Ko” singer.

“For the first time magsho-show kami. At least, ma-showcase namin na nakakatawa siya, na hanggang ngayon maganda pa rin ang boses niya,” sabi ni Aiai.

Dagdag pa niya tungkol sa talento ni Miguel sa pag-awit, “Maganda pa rin ang boses niya. Kasi, sinabi ko sa kanya, 'Papey, gawa tayo nung parang video ko na 'Who is Aiai Delas Alas?' 'Tapos, may sinend siya sa akin ng Wish Bus, sabi ko, 'Ay, magaling pa rin kumanta ang lolo mo, 'day!'

Isang post na ibinahagi ni Wish USA (@wishusaofficial)

Dekada '90 nang maging magkarelasyon sina Aiai at Miguel. Nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng dalawang anak, sina Nicolo at Sophia, bago sila naghiwalay noon 1998.

Hindi man nauwi sa forever ang kanilang pagsasama, masaya naman si Aiai sa magandang pagkakaibigan nila ngayon ni Miguel, na matagal nang nakabase sa Amerika.

Sabi pa ng The Clash judge tungkol kay Miguel, nang may kaunting pag-alala sa kung paano sila nagkakilala, “Magkaibigan kami niyan, e. Pero noong una, bwisit na bwisit ako dyan dahil napakasuplado. Suplado 'yan si Miguel, e. Hindi siya warm na tao. Pero kapag naging kaibigan mo na 'yan, nakakatawa rin. Nakakatuwa siyang maging brod, kumpare.”

Isang post na ibinahagi ni Miguel Vera (@migsvera)

SAMANTALA, NARITO ANG ILANG CELEBRITIES NA PINILI NANG MANIRAHAN NA ABROAD: