
Bagama't nauwi sa hiwalayan, mas matimbang ang pagmamahal ng ex-couple na sina Carlo Aquino at vlogger Trina Candaza para sa kanilang anak na si Enola Mithi.
Marami kasing natuwa nang makita ang dalawa na magkasama nagpa-picture nang pumunta sila sa Moving Up day ng kanilang baby girl.
Makikita sa Instagram page na @ enolamithi na naka-post ang family photo nina Trina at Carlo. Ang naturang account din ang naka-tag nang mag-post noon si Trina ng kaniyang 27th birthday celebration.
Source: trinacandaza (IG)
Inilahad ni Trina sa panayam niya kay Ogie Diaz na naghiwalay sila ni Carlo noong December 2021.
Isinilang naman ng celebrity mom si Baby Enola noong kasagsagan ng pandemic, September 8, 2020.
TINGNAN ANG BUHAY NG SINGLE MOM NA SI TRINA CANDAZA RITO: