GMA Logo Xander Ford
What's Hot

Ex-GF ni Xander Ford, walang planong iurong ang reklamo

By Aedrianne Acar
Published December 24, 2020 11:10 AM PHT
Updated December 24, 2020 12:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 15, 2025
Visually impaired soldier promoted from captain to major

Article Inside Page


Showbiz News

Xander Ford


“Itutuloy ko pa rin po 'yun para matuto din po siya," sabi ni Ysah Cabrejas sa dating niyang boyfriend na si Xander Ford.

Desidido si Ysah Cabrejas na ituloy ang reklamo laban sa ex-boyfriend niyang si Xander Ford, o Marlou Arizala sa tunay na buhay.

Paglabag ng RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 ang isinampang reklamo ni Cabrejas laban sa dating Hasht5 member na si Xander.

Kaugnay nito, isang arrest warrant ang inilabas ng Manila Regional Trial Court laban sa social media personality.

Sa panayam ng GMA News kay Xander, humingi ito ng tawag sa dating girlfried.

“Sana mapatawad mo 'ko. Sana maawa ka sa 'kin kasi magpa-Pasko, 'tapos ganito mangyayari sa pamilya ko. Wala naman akong ginawang masama sa 'yo.”

Itinanggi din niya ang alegasyon ng physical abuse at sexual assault na binabato ni Cabrejas.

“Parehas po kaming nasaktan sa mga nangyari po sa 'ming dalawa.

"Pero 'di ko po talaga siya na-pisikal po. Mahal ko po 'yon.”

Sa exclusive interview naman ni Ysah Cabrejas sa Stand For Truth, ikinuwento niya ang nangyaring ng pananakit diumano sa kanya ni Xander Ford.

Aniya, “Nag-decide po kami mag-live in' tapos 'yung unang gabi po namin doon pinilit niya po na may mangyari po sa amin.

“Nung time na po na 'yun is mayroon po ako, 'tapos hindi po ako pumayag.

"Then, nagalit po siya, 'tapos doon na po nangyari 'yung pananakit niya po.”

Humingi man ng tawad si Xander, desidido pa rin si Cabrejas na kasuhan ang dating nobyo.

Saad niya, “Napatawad ko naman po siya. Pero 'di po ibig sabihin na pinatawad ko po siya, iaatras ko na po 'yung kaso, so itutuloy ko pa rin po 'yun para matuto din po siya.”

Xander Ford Photo taken from Unang Hirit

Samantala, ayon sa ulat ng Unang Hirit ngayong Huwebes, December 24, pansamantalang nakalaya si Xander Ford matapos magbigay ng piyansa ang talent management niya, ang Star Image Artist Management, na nagkakahalaga ng PhP18,000

Sa pahayag na ibinigay ng Star Image Artist Management General Manager na si David Cabatawan, naawa umano sila sa talent nila na nagbigay sa kanila ng maraming problema.

Pero nilinaw nila na hindi nila ito kukunsintihin kapag napatunayan sa korte na nagkasala ito.

Aniya, “Mabigat po sa kalooban naming na pumunta pa dito, kasi sa marami pong binigay sa amin na problema ni Xander e, naisip po namin na baka dapat ito, e, mabigyan siya ng aral talaga.

"Pero, siyempre, magpa-Pasko po medyo lumambot po ang puso namin.”

Dati nang pinatawan ng indefinite suspension ng Star Image Artist Management si Xander dahil sa mga kontrobersyang kinasangkutan nito.

Narito ang ilan pang kontrobersiyang kinasangkutan ni Xander Ford:

Xander Ford resurfaces after being reported missing by talent agency

WATCH: Xander Ford, nagpaliwanag kung bakit nagparetoke