
Sa Tadhana: Lucky in Love, isang hindi inaasahang insidente ang maglalapit sa palamig vendor na si Jepoy (Buboy Villar) at influencer na si Mandy (Lexi Gonzales).
Habang tumatagal ay mas lalo pang nakikilala nina Jepoy at Mandy ang isa't isa. Kaya naman hindi na rin nila napigilan ang pagkakaroon ng mas malalim pang samahan.
Ngunit dahil sa mga sakripisyo na kailangan nilang gawin para sa kanilang mga pamilya, magkakalayo ng landas sina Jepoy at Mandy.
Matapos ang ilang taon, muling magkukrus muli ang kanilang mga landas.
Magkaroon pa kaya ng second chance and ex-lovers?
Panoorin ang Tadhana: Lucky in Love, ngayong November 9, 3:15 PM sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.