
Sa Tadhana: Lucky in Love, dalawang sawi na galing sa magkaibang mundo ang mapapaglapit ng tadhana.
Dahil sa kabutihan ni Jepoy (Buboy Villar) sa isang buntis, na nakuhanan ng video ng magandang vlogger na si Mandy (Lexi Gonzales), magiging online superhero ang tindero.
Naging mas malapit ang dalawa at malalaman nilang parehas pala silang may masakit na karanasan sa pag ibig.
Sa kabila ng pagiging mapagmahal nina Jepoy at Mandy ay nagawa pa rin silang lokohin ng kani-kanilang mga kasintahan.
Kaya naman ang tadhana, tila pinagtagpo silang dalawa para bigyan ng kanilang happily ever after.
Pero ang kanilang natagpuang bagong pag-ibig, pilit guguluhin ng mga tao mula sa kanilang nakaraan.
Paano na ang happily ever after nina Jepoy at Mandy?
Mahanap na kaya nila ang kanilang lucky match?
Sundan ang pagpapatuloy ng Tadhana: Lucky in Love ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.