
Ang former duo na KiSh (Kira Balinger at Josh Ford) ang isa sa kinakikiligang tambalan sa hit GMA and ABS-CBN's collaboration project na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Sa recent interview ni Aubrey Carampel para sa GMA Integrated News para sa 24 Oras, inilarawan ni Josh si Kira sa harap ng una at ng iba pang Kapuso ex-PBB housemates na sina Michael Sager, Ashley Ortega, Vince Maristela, at Shuvee Etrata.
Bukod dito, ibinida rin ng Sparkle star ang matching bracelets nila ng Star Magic artist.
“She's a very special girl,” masayang sagot ni Josh sa tanong tungkol sa real score nila ni Kira.
Sa previous interview naman ng King of Talk na si Tito Boy Abunda kay Josh, inilahad niyang mas kinikilala pa nila ni Kira ang isa't isa.
“Ngayon, mas kinikilala po naming ang isa't isa. So, looking forward to whatever happens,” pahayag ng Kapuso star.
Related gallery: Meet the Kapuso, Kapamilya housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
Sa TikTok account ng dalawa, tampok ang ilang videos at kulitan moments nina Josh at Kira na labis na kinakikiligan ng viewers at kanilang fans.
Samantala, mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. at Sabado, 9:30 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.