GMA Logo Princess Aliyah Marco Masa Sofia Pablo John Clifford
PHOTO COURTESY: TBATS On The Go!
What's on TV

Ex-PBB Kapuso housemates, todo ang saya sa 'TBATS On The Go!'

By Dianne Mariano
Published June 17, 2026 10:08 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala set for tough test against HSBC Championships winner Donna Vekic in Berlin Tennis Open
Sarangani needs P734M for road, bridge repair after quake
Thoughtful and affordable Father's Day gifts dads will love

Article Inside Page


Showbiz News

Princess Aliyah Marco Masa Sofia Pablo John Clifford


Nakisaya ang former 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0' housemates na sina Princess Aliyah, Marco Masa, Sofia Pablo, at John Clifford sa recent episode ng 'TBATS On The Go!'

Napuno ng tawanan at good vibes ang Sunday night ng mga Kapuso dahil sa nakatutuwang pakulo sa TBATS On The Go!

Sa nakaraang episode nitong Linggo, tampok ang dating Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 housemates na sina Princess Aliyah, Marco Masa, Sofia Pablo, at John Clifford.

Nakasama nina Tekla at Pepita Curtis sina Princess at Marco sa "Sabeh?" segment, kung saan may babasahing mga popular sayings, expressions, o quotes, ngunit mayroong missing word at huhulaan ng players ang nawawalang salita.

All-smiles at game na game sina Princess at Marco kasama ang mga Ka-TBATS sa laro. Panoorin sa video sa ibaba.

Bukod dito, nakisaya sina John Clifford at Sofia kasama sina Tekla at Pepita sa "Hayop on the Go" kung saan gagayahin ng players ang boses ng mga hayop at kailangan nilang i-acting ito.

Napuno ng tawanan at kulitan dito dahil game na game ang players sa naturang segment. Panoorin sa video na ito.

Patuloy na subaybayan ang TBATS On The Go! tuwing Linggo, 10:00 p.m., sa GMA at Kapuso Stream.