GMA Logo NCAA season 96
Photo by: NCAA
What's on TV

Exciting finale ng NCAA Season 96 mapapanood sa Linggo, August 8

By Bong Godinez
Published August 7, 2021 10:10 AM PHT
Updated February 24, 2026 7:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Philip Acop, son of late Romeo Acop, wins as new Antipolo representative
Get to know this buko sherbet vendor who looks like Chris Brown
P95M shabu seized, alleged drug courier nabbed in Surigao City

Article Inside Page


Showbiz News

NCAA season 96


The league will conduct its first-ever virtual awarding ceremony.

Humarap man sa pagsubok ay hindi natinag ang National Collegiate Athletic Association (NCAA) at buong tapang na itinuloy pa rin ang Season 96.

Sa tulong ng GMA Network ay nabigyan ng pagkakataon ang mga student-athletes mula sa sampung member schools na maipamalas pa rin ang kanilang husay sa gitna ng pandemya.

Ngayong Linggo, August 8, ay finale na ng Season 96 at magsasagawa ng first-ever virtual awarding ceremony para kilalanin ang mga pinakamahuhusay na atleta sa iba't-ibang kompetisyon.

Kasama sa mga kompetisyon na ito ay ang basketball and volleyball skills challenge na nilahukan ng alumni athletes kasama ang kapuso stars na sina JC Tiuseco, Manolo Pedrosa, at Ervic Vijandre.

Sa awarding ceremony sa Linggo ay dadalo ang NCAA management committee para magpakita ng suporta.

Makikisaya naman ang Kapuso singers na sina Jessica Villarubin, Jeremiah Tiangco, at Anthony Rosaldo na aawitin ang official theme song ng NCAA Season 96.

Kaya huwag palampasin ang season finale ng NCAA Season 96 sa Linggo, August 8, 5 p.m. sa GTV.

Samantala, balikan ang makulay na opening ceremony ng Season 96 noong Hunyo sa gallery na ito.