What's on TV

EXCLUSIVE: Ano ang nagbago kay Jak Roberto ngayong naging parte siya ng 'Meant To Be?'

By GIA ALLANA SORIANO
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated April 18, 2017 7:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

3 weather systems to bring rains over PH
Athletes from Talisay City, Cebu bag 3 golds in 33rd SEA Games
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News



May mga ibang fans na Andoy na ang tawag sa kanya.   

Sa isang exclusive interview, naikuwento ni Jak Roberto sa GMAnetwork.com na mas nakikilala na sila ngayon dahil sa Meant To Be.
  

 

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto) on

 

Aniya, "Mas nare-recognize na kami ngayon. Like, ako, last time nasa isang mall ako. May isang fan na tumawag sa akin, nasa isang restaurant, fast food, tapos umiiyak siya. Sabi niya, ‘nasa mall show mo ako sa San Juan Del Monte, hindi na ako nakalapit.’" 
Ano naman ang nararamdan niya pag nakakakita siya ng ganitong fan?
 
Ika niya, "Ang sarap lang ng pakiramdam na may ganung taong ganung ka-supportive sayo. And humahanga sa ginagawa mo. And halimbawa pag naglalakad ako somewhere, pag naglakad ako ngayon doon, na-re-recognize na rin [ako.]"

Masaya rin siya kapag natatawag siya sa character niya, si Andoy. Paliwanag niya, "Ang tawag sa akin si Andoy, ‘si Andoy, oh!’ Natutuwa naman ako na ganun na pagtingin sa akin ng tao. Parang nasusuklian ‘yung lahat ng ginagawa namin sa soap. Parang ang sarap sa pakiramdam."

MORE ON MEANT TO BE: 
 
LOOK: Ivan Dorschner with Dominic Roque and Joseph Marco on men's magazine cover

Ano ang advice ni Jak Roberto sa torpeng character niya na si Andoy sa 'Meant To Be'?

Sino ang office boyfriend mo sa 'Meant To Be' boys?