What's on TV

EXCLUSIVE: Ano ang naging inspirasyon ni Michael V. sa viral parody song na "Naman"?

By Aedrianne Acar
Published June 17, 2019 5:47 PM PHT
Updated June 18, 2019 9:19 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Over 180,000 passengers expected at PITX before Christmas week
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News



Michael V on his inspiration for writing "Naman": "It was made in honor of the LGBTQ community..." Read more:

Tumabo ng milyun-milyong views online ang latest parody song ng Kapuso comedy genius na si Michael V. Ito ang kanta na tribute niya para sa LGBTQ community.

Michael V.
Michael V.

WATCH: Michael V.'s 'Buwan' parody pays tribute to the LGBT community

Ginawan ni Michael V. ng sarili niyang spin ang hit song ni JK Labajo na 'Buwan' at pumatok ito netizens. Sa katunayan ang parody version nito na 'Naman' ay may mahigit sa 5.3 million views na sa Facebook.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Michael V. sa taping ng Bubble Gang ngayong Lunes (June 17), umamin ang multi-awarded comedian na nahirapan siya isulat ang 'Naman.'

Wika ni Bitoy, “Ang daming nagre-request ng parody, eh ako naman 'pag gagawa ng parody ang una kong ginagawa nagre-research ako.”

“Tinitingnan ko ano 'yung mga ginawa na tapos 'yung topic na 'yun, 'yun ang iiwasan ko. Actually nahirapan ako dito, hindi ko alam kung ano 'yung gagawin kasi parang halos lahat nagawa na,”

Ni-reveal ng Kapuso comedy genius na humugot din siya ng inspirasyon sa naging word war sa Twitter sa pagitan nina JK Labajo at Darren Espanto noong October 2018.

Darren Espanto threatens legal action against JK Labajo

Paliwanag ni Michael, “Pero nabasa ko 'yung isyu nila ni Darren [Espanto] 'yun 'yung naging take-off point ko.”

“Yung kanta kasi na 'yun two parts, isa is 'yung account ng nangyari between the two of them tapos pangalawa 'yung response ng netizens about being gay.”

“It was made in honor of the LGBTQ community at ayun nga in time lalo for the Pride month.”

Panoorin ang parody video dito: