What's on TV

EXCLUSIVE: Ano ang pinaghahandaan ni Jeric Gonzales para sa upcoming serye na 'Magkaagaw'?

By Cara Emmeline Garcia
Published August 13, 2019 6:59 PM PHT
Updated October 14, 2019 4:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Excited pero kinakabahan ang pakiramdam ngayon ni Kapuso actor Jeric Gonzales nang malaman ang kanyang bagong role na gagampanan sa upcoming Kapuso series na 'Magkaagaw.'

Excited pero kinakabahan ang pakiramdam ngayon ni Kapuso actor Jeric Gonzales nang malaman ang kanyang bagong role na gagampanan sa upcoming Kapuso series na Magkaagaw.

Jeric Gonzales
Jeric Gonzales

Dito gaganap si Jeric bilang asawa ng karakter ni Klea Pineda at sa katunayan, pinaghahandaan na nilang dalawa ang mature roles sa nasabing drama series.

Aniya, “Okay lang naman [sa akin] kasi I'm looking for more mature roles. Kasi after nga ng Ika-5 Utos gusto ko ng iba naman.

“Sabi ko nga kay Klea, 'Kailangan na nating makilala ang isa't isa kasi this is more than knowing each other or being boyfriend and girlfriend. 'Yung mga secrets natin medyo kailangan na natin malaman kasi 'yung relationship natin [dito] sa work parang dapat solid talaga.”

A post shared by GMA Artist Center (@artistcenter) on

Maliban dito, binabago na rin ni Jeric ang kaniyang overall look para magampanan ang kaniyang bagong role.

“My hair! Kasi palaging ganun 'yung itsura ko na good boy at laging mabait.

“So, this time gusto ko maiba naman.

“Katulad nga ng sabi ni Direk Gil Tejada, mature na at 'di na masyadong sweet, medyo ibang layer din ng personality.

“So hahanapin ko 'yun.”

Abangan ang tambalang Jeric Gonzales at Klea Pineda sa Magkaagaw, soon sa GMA Afternoon Prime!

EXCLUSIVE: Klea Pineda, excited nang mag-move on sa mature role sa 'Magkaagaw'