What's on TV

EXCLUSIVE: Ano ang reaksyon ng conservative parents ni David Licauco sa pagpo-pose niya in his underwear?

By Bea Rodriguez
Published May 4, 2018 5:28 PM PHT
Updated July 6, 2018 7:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Drug war victims reject Duterte camp bid for info related to case participants
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News



Ano ang naging reaksyon ng parents ni David Licauco nong una nilang makita ang kanilang anak na naka-brief lang sa isang fashion show?

Napatawa si Kapuso Chinito Heartthrob David Licauco nang ikuwento niya ang kanyang Bench Under the Stars experience noong 2017 kung saan rumampa siya na naka-brief.

“Honestly, noong umpisa na sinabihan akong magbi-brief ako, medyo [hesitant] ako [kasi] baka hindi na ako bigyan ng mana ng nanay ko,” patawang sinabi ng Filipino-Chinese actor-model sa ekslusibong panayam ng GMANetwork.com

EXCLUSIVE: How did newcomer David Licauco enter showbiz?

Nanood raw ang kanyang mga magulang ng underwear show kung saan nakita nilang semi-naked siya, “Noong nakita nila ako nagtanggal ng damit ko, [yumuko] daw ang mom ko.”

 

Merry Christmas from my parents and I ?????

A post shared by David Alexander Sy Licauco (@davidlicauco) on

 

Nagpaliwanag raw si David upang mas maintindihan ng kanyang mommy ang kanyang trabaho, “Sabi ko naman sa kanya, it’s part of work, and pinaghirapan ko naman [ang katawan ko].”

“Super conservative” raw ang kanyang mga magulang pero naiintindihan na siya ngayon.

Hindi rin ligtas ang Kapuso star sa pang-aasar ng kanyang mga kaibigan, “Inaasar nila ako kasi ang billboard ko sa mga mall ay naka-brief. Now, sanay na ako, parang wala na lang.”

Nagpakita naman ng abs si David sa Mega Man Best Bodies 2018 kung saan isa siya sa mga most eligible bachelors at hottest actors ngayong taon.

Mapapanood si David Licauco sa upcoming Kapuso drama series Kapag Nahati Ang Puso.