What's Hot

EXCLUSIVE: Ano pa ang gustong makamit ni Alden Richards?

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 11, 2020 11:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cellphone ng tindahan, tila may sumpa? | GMA Integrated Newsfeed
Suspect in Cotabato grenade attack killed in hot pursuit
EA Guzman and Shaira Diaz mark their first New Year's celebration together

Article Inside Page


Showbiz News



Tila nasa Pambansang Bae na ang lahat. May kulang pa ba sa kanyang buhay?


 

 

Matapos ang isang taon, marami nang napagtagumpayan ang Pambansang Bae Alden Richards.

Sa kanyang career pa lamang ay nag-uumapaw na ang blessings para sa kanya. Kasama na rito ang kanyang 7x platinum Wish I May album, mga pelikulang My Bebe Luv at Imagine You & Me na talagang pinilahan ng mga manonood at kabi-kabilang concerts, gigs at tours dito sa Pilipinas at maging sa isang bansa.

EXCLUSIVE: Alden Richards, mas ganado sa paggawa ng ikalawang album kasunod ng 7x platinum award para sa ‘Wish I May’

Buong taon man siyang naging abala at tila walang pahinga, wala siyang reklamo dahil puro magagandang alaala at karanasan daw ang dala ng nakaraang taon para sa kanya.

“It has been my life already, parang ganun. Naging part na siya ng routine ko,” panimula ni Alden.

Hindi rin daw dinidibdib ng aktor ang kanyang mga kailangang gawin at mga pinagkakaabalahan.

“Kumbaga kung masyado kong sineryoso ‘yung trabaho, mabu-burn out ako. So I treat it as a treat for myself. Kumbaga ‘yung nakakapag-abroad, I meet people, to make people happy, and I do it in honor of the Lord,” paliwanag ni Alden.

“I’m good. I’m good with everything’s that’s happening. Walang pagod. [It’s] worth it, [I feel] fulfilled. More pa, more,” dugtong niya.   

Sa tagumpay na kanyang tinatamasa hanggang ngayon, ano pa kaya ang nais makamit ni Alden? Dito ay tila magkapareho sila ng plano ng kanyang love team partner na si Maine Mendoza.

Aniya, “I’m just letting life, and chance, and the Lord surprise me. Whatever it is, I’m ready. There are no plans.”

MORE ON ALDEN RICHARDS:

READ: Alden Richards, may dedication para sa ‘MaiDen’ sa kanyang librong ‘Alden: In My Own Words'

LOOK: 15 sweetest and most candid moments of AlDub

WATCH: Alden Richards' funny moments while recording for new album