EXCLUSIVES

EXCLUSIVE: Alden Richards, ganadong sundan ang 'Wish I May' album matapos makakuha ng 7x Platinum Award

By CHERRY SUN
Published On: July 23, 2016, 10:30 AM

"Never in my wildest dreams na ma-imagine ko na makakakuha ako ng [ganitong] recognition." - Alden

Hindi raw abot-maisip ni Alden Richards na makakamit niya ang tagumpay ng kanyang unang album ngayon under GMA Records. At dahil na rin dito ay mas ganado siya sa paggawa ng kanyang ikalawang album.
 
Pag-amin ng Pambansang Bae, “Never in my wildest dreams na ma-imagine ko na makakakuha ako ng 7x (seven-times) Platinum recognition. But they say, God works in mysterious ways. So that’s how he’s working in my life right now.”
 
IN PHOTOS: Alden Richards, awarded with 7x platinum for ‘Wish I May’
 
Kahit in demand pa rin ang kanyang album ay nagsimula na si Alden sa recording para sa ikalawang proyekto niya sa Kapuso music label. Ang kanyang ikalawang album daw ay isang pagtanaw at pasasalamat na rin sa kanyang mga fans na walang-maliw na sumusuporta sa kanya.
 
“After the success of ‘Wish I May,’ ang sarap sundan kasi nga nakakatuwa ‘yung mga sumusuporta sa album,” aniya.
 
MORE ON ALDEN RICHARDS:
 
WATCH: Alden Richards' funny moments while recording for new album
 
READ: Alden Richards, may espesyal na isinulat para sa ka-loveteam sa librong ‘Alden: In My Own Words’

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->