
Nagagalit ba si Mr. Brian Poturnak?
Very happy and proud si Ina Raymundo sa kanyang role bilang Allison Montecillo sa The Millionaire's Wife, pero ayaw raw niyang mapanood ito ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang mga anak.
LOOK: #CUTE: Ina Raymundo's daughter does not want to take a photo
"Nasa school kasi sila, and parang ayoko rin, lalo na ngayon na may kissing scenes. Ayokong mapanood nila 'yun kasi hindi nila maiintindihan, magseselos sila. Feeling nila may iba na ako," she candidly shared with GMANetwork.com in an exclusive interview.
Anang aktres, alam naman daw ng mga anak niya na artista siya at acting lang ang napapanood nila.
"They know naman, pero like her [Anika, her fourth child], kapag makita niya na may ka-kissing scene ako, magugulat 'yun. Pero siyempre I will explain it to her, but right now parang it's better na huwag muna."
Ano naman ang masasabi ng kanyang asawang si Brian Poturnak sa maiinit niyang eksena sa naturang Afternoon Prime series?
"Wala siyang kaalam-alam (laughs)! Hindi ko na kinukuwento sa kanya. Nung dalaga naman ako, alam naman niya ang mga ginagawa ko. Pero for a time, ayaw niya akong makipag-kissing scene. Ngayon na malalaki na ang mga anak namin, parang medyo okay na siya sa idea kasi nare-realize niya na trabaho 'yun."
MORE ON INA RAYMUNDO:
WATCH: Ina Raymundo invades son's privacy
Ina Raymundo on Jaclyn Jose: "She's my peg!"