What's on TV

EXCLUSIVE: Arianne Bautista, thankful for playing Selma role

By Bianca Geli
Published March 12, 2018 3:27 PM PHT
Updated March 12, 2018 3:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Natural gas discovered at Malampaya East 1 —Marcos
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Sa nalalapit na pagtatapos ng top daytime drama na 'Ika-6 Na Utos,' alamin kung ano ang saloobin ng gumaganap sa papel na Selma, si Arianne Bautista.

Kahit na kinaiinisan, isang karangalan pa rin para kay Arianne Bautista na mapabilang sa top daytime drama na Ika-6 Na Utos.

EXCLUSIVE: Arianne Bautista shares how she was cursed by a netizen

Saad niya sa eksklusibong panayam, “Sobrang honored kasi si Direk Laurice Guillen ‘yung direktor. First time kong mapagalitan at masigawan sa set, and after kami pagalitan, ‘pag off cam at kakain na, wala na, kumbaga very professional ni Direk Laurice. Siya na mismo ‘yung mag-che-check kung totoo ba 'yung acting mo. Siya rin ang magtuturo sa'yo kung ano ang kailangan mong gawin para ma-deliver mo ng tama ang mga eksena."

Dagdag pa niya, malaki rin ang kanyang pasasalamat dahil hindi niya akalain na magiging malaki ang epekto ng kanyang pagganap bilang Selma, ang kunsintidor na kaibigan ni Georgia (Ryza Cenon). "Sobrang thankful kasi ako ang napili as best friend ni Georgia na hindi ko inaakalang ganito magiging kalalim 'yung role ko. Kasi siyempre usually kapag best friend, mas matimbang pa rin 'yung pamilya.

Ibinahagi pa ni Arianne ang kanyang sariling opinyon patungkol sa kontrobersiyal na karakter ni Selma.

Ika niya, “Sa tingin ko si Selma wala siyang pamilya at si Georgia lang ‘yung malalapitan niya. Meron kaming eksena na montage ng Christmas and New Year. Sabi ko bakit nandito ako sa pamilya ni Georgia, bakit wala bang kong pamilya na kasama mag-celebrate? Feeling ko ‘yun ‘yung hugot ni Selma kung bakit si Georgia lang ‘yung lagi niyang pinupuntahanan kasi mag-isa lang din siya sa buhay."