
Enjoy ang Kapuso sweetheart na si Bianca Umali sa pagti-taping nila sa number one weekly-magical anthology na Daig Kayo Ng Lola Ko.
Bida ang teen star at si Kyline Alcantara sa kuwento ni Lola Goreng tungkol sa kambal-tuko na sina Ella at Emma.
LOOK: Tambalan nina Bianca Umali at Kyline Alcantara sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko,' wagi sa ratings
Sa one-on-one interview ni Bianca Umali sa GMANetwork.com, ibinahagi niya ang kaniyang experience sa pagganap ng isang kakaibang karakter sa telebisyon.
Wika niya, “Yes mahirap talaga umarte pero sa amin [Kyline Alcantara], I think we do our best and nage-enjoy naman kami.”
Lubos din ang pasasalamat ng Kapuso teen actress sa mainit na suporta ng mga viewers sa first episode nila sa Daig Kayo Ng Lola Ko na nagtala ng mataas na ratings.
“Masaya kasi nakita naming nandun 'yung pagmamahal nila na nag-mula sa Kambal, Karibal and hanggang sa nag-sama kami uli for Daig Kayo Ng Lola Ko eh sinusuportahan pa rin nila kami lahat.”
Makakasama din nina Kyline at Bianca sa kanilang month-long episode sa weekly-magical anthology ang bagong Kapuso na si Manolo Pedrosa.
Ano naman ang first impression ni Bianca sa chinito heartthrob?
“Hindi ko pa ma-explain 'cause we only shot two to three sequences together, so wala pa talaga [interaction]. Pero so far, he's friendly and madali naman siya makasama.”
Personal din nakapanayam ng GMANetwork.com si Manolo Pedrosa.
Matatandaan na kapipirma lang ng kontrata ng former Pinoy Big Brother housemate with GMA Artist Center last July.
EXCLUSIVE: Former 'PBB' teen star Manolo Pedrosa signs up with GMA Network
Kuwento ng guwapong aktor na madali niyang nakapalagayan ng loob sina Kyline at Bianca sa taping nila sa Daig Kayo Ng Lola Ko.
Sabi ni Manolo, “Na-enjoy ko parang medyo light lang 'yung environment so I enjoyed the working environment.
“I already did scenes with them and I would say na I really felt comfortable with them and I enjoyed working with them.”
Huwag bibitaw sa lalong gumagandang kuwento ni Lola Goreng sa kambal na sina Ella at Emma sa Daig Kayo Ng Lola Ko tuwing Linggo ng gabi pagkatapos ng Amazing Earth.