
Masaya at nagpapasalamat sina Boobay at Tekla dahil palaki nang palaki ang following ng kanilang comedy program na The Boobay and Tekla Show.
Ikinuwento ng fun-tastic duo sa exclusive interview ng GMANetwork.com na nakakatanggap sila ng pagpapatunay na ang The Boobay and Tekla Show ay nangunguna sa bagong Sunday habit ng maraming viewers.
Ani Boobay, "Sobrang overwhelming pa rin talaga 'yung pakiramdam na naging ganun 'yung pagtanggap ng ating mga manonood, mga Kapuso. Nakita talaga namin 'yung pagkakaiba ngayon. Kahit nasa labas kami, halimbawa nag-u-Unang Hirit ako, 'di ba, sa mga remote [coverages] ko, ang laging hinahanap na sa akin, 'Asan si Tekla?' Ibig sabihin nun, naisip ko, 'Ay, may epekto pala sa kanila. Tumatak na talaga sa kanila na napapanood kami every Sunday.”
EXCLUSIVE: Boobay and Tekla's favorite Man-on-the-Streets interview
Hindi na talaga matawaran ang pagsikat nina Boobay at Tekla kaya aminado rin silang may kasamang pressure ang paglaki ng kanilang programa.
Sambit ni Tekla, “Kailangan mo ma-sustain, kailangan mong hawakan 'yun kasi may crowd ka na, kumbaga may followers na 'yung The Boobay and Tekla Show from season 1.
“Ang buong team ng The Boobay and Tekla Show, gumagawa po kami ng best for this show. Ine-aim kung paano mapaganda 'yung show. Mas pagandahin pa natin,” patuloy niya.