
Malinaw pa rin sa memorya ng comedian and vlogger na si Buboy Villar nang matanggap niya ang balita na isa siya sa seven cast member ng biggest reality-game show this year na Running Man Philippines.
Kabilang din sa cast sina Mikael Daez, Glaiza De Castro, at good friend ni Buboy na si Ruru Madrid.
Napili rin sa Running Man Philippines ang Sparkle heartthrob na si Kokoy de Santos, Lexi Gonzales, at Angel Guardian.
Sa web exclusive video ng Running Man Philippines, muling binalikan ng Kapuso comedy actor ng sabihin sa kaniya na gagawin nila sa South Korea ang first season ng show.
Kuwento ni Buboy, “Ito legit! Nagda-drive ako noon, may tumawag sa akin unknown number.
“May nagpakilala ganiyan, 'Ah mero'n po kasing reality game show ganiyan. Isa raw ako sa mga parang pinagpipilian.'”
“So, sabi ko, 'Huh, ano po ba ito?” tanong ni Buboy.
Kitang-kita sa mukha ng comedian ang pagkabigla sa natanggap niyang balita. Pagpapatuloy niya, “Talagang grabe preno ko. Saglit lang po, 'mababanga po ako sa mga ganitong balita. Saglit lang po.' Ginilid ko.”
“Actually, malungkot ako noon that time. Pero nung dumating ng ganun, 'yung parang hindi mo inakala na may blessing at papunta pa-Korea. At hindi lang basta pa-Korea, Running Man. Nabaliw ako!” dagdag niya.
Natutuwa rin si Buboy na sa daming artista na deserving mapasama sa Running Man Philippines ay isa siya sa napili na maging bahagi nito.
Aniya, “Sa daming mga karapat-dapat din, isa ako sa napasama dito sa Running Man Philippines at isang malaking karangalan para sa akin ito.”
Bago sila bumiyahe papuntang South Korea, pinagtutuunan na ni Buboy hindi lang ang physical preparation, kundi pati na rin ang mental aspect ng upcoming shoot nila.
Paliwanag niya, “Kailangan alamin mo kung ano 'yung kultura nila doon, alamin mo kung ano 'yung batas nila doon, para hindi ka patanga-tanga sa Korea. 'Yung mental, mami-miss mo 'yung mga family members po, kasi matagal kayo nandoon sa Korea. So, kailangan nire-ready ko rin 'yung sarili ko na, 'Let's get it on. Let's go to Korea!'”
Maging updated sa latest news at happenings ng Running Man Philippines by visiting GMANetwork.com o i-follow ang lahat ng official social media pages ng programa.
Facebook- https://www.facebook.com/GMARunningManPH
Instagram- https://www.instagram.com/gmarunningmanph/?hl=en
Twitter- https://twitter.com/GMARunningManPH
TikTok- https://www.tiktok.com/@gmarunningmanph?lang=en