
Malaking blessing na itinuturing ng Kapuso TV host na si Luane Dy na kasama siya sa dalawang flagship program ng GMA-7.
Nang makapanayam ng GMANetwork.com ang magaling na host matapos ang contract renewal ng Eat Bulaga ngayong araw, February 1, sinabi nito na masuwerte siya na kasama siya sa longest-running noontime show at sa morning program na Unang Hirit.
“Siyempre, masaya, di ba? Sabi ko nga kanina, parang to be part of the longest-running morning show Unang Hirit and now longest-running noontime show naman na dati pinapanood ko lang, di ba?
“Ngayon nakakasama ko na lahat ng nandoon and masuwerte talaga ako.”
IN PHOTOS: EB Dabarkads witness contract signing event of 'Eat Bulaga' and GMA-7
Samantala, Wala pa rin daw silang concrete plans ng kaniyang long-time boyfriend na si Carlo Gonzalez sa darating na Valentine's Day.
Saad ni Luane, “Magkasabay naman 'yun [work and Valentines' date] puwede naman work muna. 'Tapos, siyempre, fun din naman to spend Valentine's Day with friends with our co-hosts, ganiyan.”
Tila naging matipid naman ang sagot ng TV host-actress nang diretsahang tanungin namin siya kung napag-uusapan na nilang dalawa ang pagpapakasal.
Tugon ng Unang Hirit host, “Haha tanungin mo siya [laughs] hindi ko alam. Pero kung sa napag-uusapan, I think oo, napag-uusapan naman.”
LOOK: Carlo Gonzalez defends girlfriend Luane Dy from bashers