
Mahirap para sa Kapuso comedienne/actress na si Denise Barbacena na mahiwalay sa mother show niya na Bubble Gang.
Aminado si Denise na nakilala sa reality TV talent search na Protégé na matagal na siyang hindi tumatanggap ng soap. Ito ay para hindi maapektuhan ang taping niya sa Kapuso gag show na tuwing Lunes naka-schedule. Huling napanood sa isang drama show si Denise sa afternoon prime na Contessa.
EXCLUSIVE: Mikoy Morales, hindi naniniwalang nakakatawa siya?
Kuwento niya sa exclusive interview ng GMANetwork.com, “Actually for the longest time ayoko mag-book ng soap dahil ang taping ng soap ay Monday, Wednesday, and Friday. Super love ko 'yung Bubble Gang kaya hindi ko mahiwalayan na okay sige I'll stop doing Bubble Gang every Monday kung magso-soap ako.”
“Sinuwerte lang na nung pumasok 'yung Contessa, ang regular taping nila ay T-Th-S. Kaya parang wow grabe talaga na hindi ko kailangan mag-absent ng Monday.”
Bilang isa sa mga regular ng award-winning comedy program, sobrang involved din si Denise sa pagbibigay ng creative inputs sa mga karakter at gag kung saan siya nakakasama.
Paliwanag ng Kapuso actress na malaki ang impluwensya ng leader nila na si Michael V na ini-encourage sila mag-suggest para lalong mapaganda ang kanilang show.
Wika ni Denise, “Simula pa lang po na mapunta ako sa Bubble Gang, open na ako dun sa idea na kailangan may input din 'yung artist sa ginagawa niya pati sa material niya.
“Kasi, nagsimula sa leader namin dito, kay Kuya Bitoy, siya 'yung nag-encourage sa amin at nagsabi na okay 'yun, maganda 'yun at dapat na we have something na ma-impart dun sa gagawin namin,”
Ilang tulog na lang mga Kapuso mapapanood n'yo na ang pasabog na hinanda ng Bubble Gang for their 23rd anniversary soon on GMA-7!