GMA Logo Exclusive Fairytale
Source: Exclusive Fairytale
What's Hot

'Exclusive Fairytale,' ngayong June 15 na sa GMA Heart of Asia!

By Mark Joseph F. Carreon
Published June 5, 2026 3:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP: No validated intel that pro-Duterte groups would storm Malacañang on June 12
1-2-3: Summer's not over and get ready to Conga with the cast of 'On Your Feet!'
Kapuso ng Kalikasan Fair: GMA Network's Green Initiative Celebrates Sustainability and the Environment

Article Inside Page


Showbiz News

Exclusive Fairytale


Tamis ng unang pag-ibig at walang kapantay na kilig ang hatid ng pinakabagong kuwentong magpapatibok ng inyong mga puso—ang 'Exclusive Fairytale.'

Ngayong Hunyo, humanda na sa isang kakaibang kuwentong magpapabalik ng saya ng kabataan at tamis ng totoong pagmamahal!

Dadalhin kayo ng GMA Heart of Asia sa isang makulay na mundo ng pangarap at tadhana dahil paparating na sa telebisyon ang hit Chinese romantic-comedy drama na Exclusive Fairytale.

Pinagbibidahan ito ng ilan sa mga pinakasikat at maningning na pangalan ngayon tulad nina SEVENTEEN's Jun (Wen Junhui) at Zhang Miaoyi.

Ito ang kuwento ng dalawang magkaibigan na sabay lumaki at pinahintulutan ng tadhana upang matutunan ang tunay na kahulugan ng pagmamahal.

Sundan ang buhay nina Chase (Wen Junhui) at Nicole (Zhang Miaoyi). Mula pagkabata, magkasama at magkaribal na sila sa lahat ng bagay dahil sa malapit na pagkakaibigan ng kanilang mga magulang. Si Chase ay isang seryoso, matalino, at independent na lalaki, habang si Nicole naman ay masayahin at may protective nature.

Lumaking hindi kasama ang ama at upang mapansin ng kanyang ina, papatunayan ni Chase na kaya niyang maging perpekto sa lahat ng bagay. Ngunit sa likod ng kanyang pakikipagkompetensya kay Nicole, may isang lihim na pagtingin ang uusbong sa kaniyang puso.

Sa pag-ikot ng kanilang mundo, mapansin kaya ni Nicole ang tibok ng puso ni Chase? Magbago kaya ang kanilang pagkakaibigan tungo sa isang pangmatagalang pag-ibig?

Abangan ang premiere ng Exclusive Fairytale, ngayong June 15, Lunes hanggang Biyernes, 9 a.m. sa GMA!