
Kasalukuyang nasa Baler si Glaiza de Castro kasama ang kanyang mga magulang at nobyong si David Rainey. Hindi raw niya inakalang dito sila maiipit nang mahigit isang buwan dahil sa ipinatupad na Luzon-wide enhanced community quarantine.
Pag-alala ni Glaiza, sinadya nilang pumunta sa Baler dahil noong una ay sa Metro Manila lamang naghigpit sa paglabas at pagpasok ng mga tao. Naisip niyang mas malaya silang makakagawa ng iba't ibang bagay tulad ng pag-surf sa probinsya ngunit hindi nila inakalang maghihigpit na rin doon.
Aniya, “Umalis kami [papunta] dito March 12. Pero noon pagdating namin dito, pagpasok namin ng Aurora province, may checkpoint na kaagad. So I wasn't expecting that. Apparently, 'yung province ng Aurora, nag-decide sila to have the quarantine earlier or to implement the quarantine earlier. Pero thankfully, nakapasok kami kasi 'yun nga meron din kaming property dito. Sinabi namin na taga-dito rin kami. So ayun, napapasok kami Kasi hindi na sila nagpapapasok ng tourists, ng mga gusto mag-travel lang.”
Mahigpit daw ang ginawang monitoring sa kanila sa pamamagitan ng pag-fill up ng forms at pag-check ng kanilang temperatura. Matapos ang dalawang linggo ay muli silang dinalaw ng mga taga-munisipyo at DOH upang hingan sila ng update tungkol sa kanilang kalusugan.
Wika ni Glaiza, “Sobrang nakatutok 'yung mga tao dito and thankfully ang Aurora province ay isa sa mga probinsya na wala pang record ng COVID-19. Parang pinapakita lang noon na talagang 'yung LGU ng Aurora o ng Baler ay talagang ginagawa 'yung lahat ng makakaya nila para ma-prevent 'yung pagpasok ng virus o ng kahit na anong sakit dito.”
Ngayon ay tumutuloy sila sa kanilang property na kanyang tinawag na Casa Galura. Dahil stranded sila dito ay minarapat na lamang nilang ayusin ang kanilang lugar. Tulong-tulong daw sila ng kanyang mga magulang at ni David sa gawaing-bahay tulad ng pag-ayos ng sala, paglinis ng banyo, hanggang sa pagpipintura ng iba't ibang gamit.
Bahagi ng aktres, “Parang 'yung pinakamatagal na nandito ako sa Baler parang mga two weeks lang. Ngayon ang dami kong napapansin dito na kailangan kong ayusin, na kailangang kong baguhin, mga ganun. So parang mas nagkaroon ako ng idea to work on this investment, to work on this property.
Dagdag din niya, “Most of the things that we do are around the house. Parang na-enjoy ko na rin 'yung manual labor, 'yung pagpipintura, ganyan… May mga days naman na parang magde-decide kami, 'O ano, medyo relax lang muna tayo ngayon. So manonood lang kami ng TV, Netflix, ganyan. 'Yun na 'yung parang pinakapahinga. So ayun 'yung normal naming routine.”
Panoorin:
TINGNAN: Ang buhay probinsya ng mga artista sa gitna ng COVID-19 outbreak ()
Glaiza de Castro, nag-crash course sa domestic life
IN PHOTOS: Celebrities who got stranded when the enhanced community quarantine was implemented