What's on TV

EXCLUSIVE: Jean Garcia, sumasakit ang ulo kina Julie Anne San Jose at LJ Reyes?

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 9, 2017 12:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mga bumbero, naantala dahil sa ginawa ng isang rider | GMA Integrated Newsfeed
Guam delegation to arrive for Dinagyang Festival 2026
United Kingdom considering social media ban for minors

Article Inside Page


Showbiz News



Bakit kaya?

Parehong pinulot sa lupa ni Diony Esquivel sina Santina at Angeli ngunit madalas silang magkabanggaan dahil kay Ephraim. Pag-ibig lang naman ang sanhi ng kanilang alitan kaya madalas silang napapagitnaan ng kanilang ina.
 
MUST-WATCH: Sexy fight scene nina Julie Anne San Jose at LJ Reyes sa ‘Pinulot Ka Lang sa Lupa,’ viral na!
 
Aminado ang beteranang aktres na si Jean Garcia na siyang gumaganap bilang Diony sa Pinulot Ka Lang sa Lupa na namomroblema na siya sa kanyang mga ampon na ginagampanan nina Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose at Kapuso star LJ Reyes.
 
Hindi lang daw siya ang ginugulo ng kanyang mga ampon kundi pati ang kanyang totoong anak ay apektado na rin sa kanilang awayan.
 
READ: Jean Garcia, may payo kay Benjamin Alves pagdating sa love life
 
Bungad ng drama actress sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com, “[Sa] family, hindi naman talaga mawawala 'yung away, ‘yung tampuhan and everything.”
 
Iniintindi raw ng kanyang karakter ang sitwasyon ng kanyang mga anak, “Lalo na kung magulang ka, hindi mo itatapon [ang relasyon kahit] nagkakamali sa ‘yo [o] may negative [na katangian] ‘yung anak mo. I think at the end of the day, papatawarin [mo sila] kasi mahal ‘yun eh pero kailangang ayusin.”
 
Bilang isang magulang, itatama niya raw ang mali, “Hindi pupwedeng negative siya or salbahe siya [ay] pagbibigyan mo, kailangan mong idisiplina.”
 
Mahalaga raw ang komunikasyon at pagbibigay ng oras para maayos ang problema sa pamilya, pagtatapos ng dating Love Hotline host.
  
MORE ON 'PINULOT KA LANG SA LUPA':
 
IN PHOTOS: Julie Anne San Jose at LJ Reyes, nagpatalbugan sa kaseksihan!
 
WATCH: Julie Anne San Jose, nahuli si Benjamin Alves?
 
READ: Benjamin Alves, na-awkward ka-bed scene si LJ Reyes?