What's Hot

EXCLUSIVE: Jessica Villarubin, hindi makapaniwalang siya na ang kumakanta ng mga Kapuso drama OST

By Cherry Sun
Published June 11, 2021 5:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

Jessica Villarubin


Boses ni Jessica Villarubin ang nasa likod ng theme songs ng 'Agimat ng Agila' at 'Nagbabagang Luha.'

Hindi makapaniwala si Jessica Villarubin sa sunod-sunod na biyayang ipinagkaloob sa kanya ng GMA Network. Kung dati'y simpleng manonood lamang siya ng telebisyon, natutuwa at nagpapasalamat ngayon ang Power Diva dahil siya ang napiling kumanta ng theme songs ng dalawang Kapuso shows.

Matapos hiranging grand champion ng The Clash season 3, nagbunga na agad ang music career ni Jessica. Inilabas niya ang kanyang victory song at debut single na “Ako Naman” noong Marso at sinundan ito ng isang upbeat pop song na “Beautiful” nitong Mayo.

Bukod sa mga ito, ipinagkatiwala na rin kay Jessica ang pagkanta ng dalawang original soundtracks (OST) ng Kapuso shows.

Ang Power Diva ang kumanta ng “Agimat ng Agila,” theme song ng fantasy-romance-family drama-adventure series na pinagbibidahan ni Bong Revilla na may parehong pamagat. Dito ay naka-duet ni Jessica ang Kapuso Soul Balladeer na si Garrett Bolden.

Siya rin ang boses sa likod ng “Walang Hanggan,” theme song ng upcoming GMA Afternoon Prime series na Nagbabagang Luha na katatampukan nina Glaiza De Castro at Rayver Cruz.

Bahagi niya sa exclusive interview ng GMANetwork.com na noon pa niya pangarap na umawit ng theme songs ng teleserye. Nagulat daw siya nang ibalita sa kanya ang naturang project at ngayo'y pakiramdam niya ay natupad na ang isa sa kanyang mga hinihiling.

Wika ni Jessica, “Actually, pangarap ko talaga 'yan dati kasi, and ngayon na naririnig ko na 'yung boses ko, parang sobrang proud ako sa sarili ko na parang ang layo nang narating ko.

"Kasi dati nga nanonood lang ako ng TV, ganun, pero ngayon, ako na talaga 'yung kumakanta ng isang teleserye [theme song]. So, I'm very happy and grateful po.”

Panoorin ang buong interview ni Jessica sa video sa itaas.

Silipin din ang beautiful transformation niya sa gallery na ito: