
Inspiring ang naging body transformation ng Kapuso singer/actor na si Joshua Jacobe.
Before and after: 19 celebs who won the battle of the bulge
Sino ang mag-aakala na ang guwapong miyembro ng T.O.P ay dating chubby guy nang sumali siya sa reality singing TV contest na To The Top.
Nagkuwento si Joshua sa exclusive interview niya sa GMANetwork.com kung gaano kahirap para sa kaniya ang mag-lose ng weight.
Saad ni Joshua, “Actually nag-umpisa ako sa To The Top na medyo mataba ako sa To The Top, kasi I had to take meds back then and medyo nakakataba po 'yun. So, tumaba ako nun.”
Todo rin daw ang dedikasyon niya sa pagwo-workout at malaki ang naitulong sa kaniya ang paggamit ng treadmill bilang exercise.
“While To The Top strenuous talaga ng workouts ko talaga sa treadmill, nag-treadmill ako for 20 minutes every day and side waist treadmill tapos patalikod. Pawis talaga kung pawis, ginagawa ko para talaga mag-lose ako ng weight.
“Mahirap siya hindi lang siya puro workout kailanga din ‘yung diet mo… less kanin and pasta, more on like lean meat dun ako.”
With his leaner body, handa na rin daw si Joshua para sa mas daring roles in the future.
“Personally kasi, sino ba naman ang hindi gusto improve ‘yung sarili mo 'di ba. So, ako kasi gusto ko constantly nag-i-improve sarili ko especially sa body ko. So, medyo inaalagaan ko din talaga na especially sa diet. Ako I’m ready naman to take on roles na medyo daring.”