
Isang buwan na lang ang natitira bago ikasal si One of The Baes star Joyce Ching sa kanyang fiancé na si Kevin Alimon.
Bahagi ni Joyce sa GMANetwork.com, nag-e-enjoy siya sa kanyang last minute wedding preps.
Aniya, “It's fun and exciting, actually!
“Di ko pa naman nararamdaman, so far, 'yung stress at worry pero siguro two or three weeks before [ng wedding] doon ko na mararamdaman.”
Proud rin ang aktres na amining hindi pa siya nagkakaroon ng bride-zilla moment.
“Wala pa naman!”
“So far, 'di pa naman ako naiiyak, tuloy pa rin ang kasal, at happy pa rin si Kevin,” sambit nito.
IN PHOTOS: Meet Kevin Alimon, Joyce Ching's fiancé
Maliban sa kanyang upcoming wedding, pinagkakaabalahan ni Joyce ang top rating GMA Telebabad soap na One of The Baes kung saan gumaganap siya bilang si XTina, ang ka-eskwela ni Jowalyn, ang karakter ni Rita Daniela.
“Marami pang mangyayari at dapat abangan 'yan ng mga Kapuso.
“Abangan niyo po kung paano mahuhuli ni Grant ang kasamaan ng ugali ni XTina na inaakala niyang crown princess niya.
“Marami pang revelations kung kailan at paano malalaman ni Rita kung sino nga ba ang magulang niya, mga ganun!
“Kaya dapat abangan.”
Patuloy na panoorin ang One of The Baes, Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad.
EXCLUSIVE: Joyce Ching on preparing for a wedding: “Hindi kailangan extravagant”
Labanan nina Rita Daniela at Joyce Ching, umani ng mahigit 1M views