Celebrity Life

EXCLUSIVE: Kapuso actress Ina Feleo uses social media to promote healthy lifestyle

By Aedrianne Acar
Published April 18, 2019 12:12 PM PHT
Updated April 18, 2019 12:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Sager earns praise for hosting skills in MMFF Gabi ng Parangal
OVP staff hold breakfast gathering in Manaoag
Remembering icons and notable personalities we lost in 2025

Article Inside Page


Showbiz News



Ina Feleo says exercise always keeps her energized, “Minsan kahit kulang 'yung tulog ko, 'pag konting exercise parang may energy na uli.”

Ikinatuwa ng Kapuso actress Ina Feleo na maraming nai-inspire sa kaniyang mga social media post tungkol sa healthy living.

Ina Feleo
Ina Feleo

Basic black bikini and a wide brimmed hat and I'm all set for summer🌞👙

A post shared by Ina Feleo (@ina_feleo) on

Ina Feleo shows her "full-body, no equipment" workout

Makikita sa Instagram account ng aktres ang ilan sa mga ginagawa niyang exercise para mapanatili ang magandang hubog ng kaniyang pangangatawan.

Sa one-on-one interview ni Ina sa GMANetwork.com, sinabi niyang ginagamit niya ang social media para i-encourage ang mga Kapuso, lalo na ang mga kababaihan, na pangalagaan ang kanilang katawan.

Aniya, “Natutuwa ako na, at least, may platform ako na nakaka-inspire, kasi sa Instagram ko man lang I don't feel na wala-wala lang siya.”

Ayon pa kay Ina, malaking tulong din ang page-ehersisyo, lalo na at 'stress reliever' niya ito.

“Hindi siya waste of time, na mayroon palang purpose, na nakakatulong pala.

“At the same time gusto ko kasi encourage lahat ng tao, hindi lang women, gusto ko lang sila ma-inspire na walang masama if you take time for yourself.

“'Tsaka ano ba naman 'yung 30 minutes a day for yourself.

“Yun talaga 'yung pino-post ko more kasi nakaka-influence siya talaga.

“Ako, personally, [ang working out ay] stress reliever or pangpa-energized. Minsan kahit kulang 'yung tulog ko, 'pag konting exercise parang may energy na uli.”

Mapapanood soon si Ina Feleo sa primetime series nina Andrea Torres at Derek Ramsay na The Better Woman.

Kasalukuyang busy din siya sa first-full length film na ididirek ng Kapuso comedy genius Michael V. na Family History.