What's on TV

EXCLUSIVE: Kim de Leon, inamin na nasa puso niya ang pag-arte

By Maine Aquino
Published June 29, 2019 11:42 AM PHT
Updated June 29, 2019 11:45 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Part of Cambridge Street in QC closed from June 1 to Dec 2027
Home store repositions as lifestyle destination with Makati flagship relaunch
Cebu's Gazini Ganados reaches Top 5 in MGI All Stars

Article Inside Page


Showbiz News



Kahit na may acting experience na siya, aminado si Kim de Leon na marami pa siyang dapat matutunan para gumaling sa pag-arte.

Bago pa man sumali si Kim de Leon sa StarStruck season 7 ay una siyang nakilala sa commercials na kanyang pinagbidahan.

Kim de Leon
Kim de Leon

Pagbabahagi ni Kim sa GMANetwork.com ay malaki ang naitulong ng pagko-commercial niya sa kanyang buhay.

"Marami po talaga itong naitulong sa akin ang pagko-commercial, financially and kung nasaan man po ako ngayon."

Dagdag pa niya ay sa pagko-commercial niya na-realize na gusto niyang pasukin ang mundo ng showbiz.

"Doon ko na-realize na hindi ko lang gusto 'yung pag-arte, minahal ko na po talaga 'yung acting. 'Yung trabaho ko as an actor."

StarStruck: Kim De Leon | Final Audition

Kahit malaki ang kanyang advantage dahil may experience na siya sa pagharap sa camera, naniniwala siyang kailangan niya pa ring aralin ang tamang pag-arte.

Paliwanag niya, "There's always room for improvement. Hindi ko naman sasabihin na sobrang galing ko na, kasi alam ko po 'yung kakulangan ko pa rin. Alam ko po sa 'StarStruck' mag-i-improve po talaga ako lalung-lalo na sa acting kasi gustong gusto ko po talaga 'yung acting."

Subaybayan si Kim at ang iba pang kasali sa Final 14 sa kanilang mga artista challenge sa Inside StarStruck tuwing Monday to Friday at 6:00 p.m. sa StarStruck YouTube channel.

Abangan rin sila sa StarStruck tuwing Sabado pagkatapos ng Daddy's Gurl at Linggo pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko sa GMA Network.