What's on TV

EXCLUSIVE: Klea Pineda, kinabahan nang unang makilala sina Sheryl Cruz at Sunshine Dizon

By Cara Emmeline Garcia
Published September 24, 2019 6:38 PM PHT
Updated October 14, 2019 4:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Aminadong kinabahan si Magkaagaw star Klea Pineda nang malamang bigatin mga artista ang makakasama niya sa kanyang first lead role sa Kapuso network.

Aminadong kinabahan si Magkaagaw star Klea Pineda nang malamang bigatin mga artista ang makakasama niya sa kanyang first lead role sa Kapuso network.

Ani Klea, na-intimidate raw siya sa mga batikang aktres na sina Sunshine Dizon at Sheryl Cruz nang unang makilala ito.

“Sa una, yes, nakakaintimidate.

“Parang, 'Paano ko ba lalapitan ang mga ito? Paano ko ba sila lalapitan? Ano bang first kong sasabihin ko sa kanila?'

“Kasi sa una naman hindi talaga mawawala yung takot at ma-intimidate ka,” paliwanag ng aktres sa GMANetwork.com.

“Pero nung nakilala ko na sila at nagkaka-eksena with them, happy naman ako dahil nagiging komportable na ako.

“Kapag nakilala mo na at nakausap mo na sila off-cam napakabait nila, sobra! Hindi ka nila pababayaan at parang mas tinutulungan ka nila.”

#Clarisse&Veron #MagkaagawGMA7 #Cebu #Klea&Sheryl

Isang post na ibinahagi ni Sheryl Sonora Cruz (@officialsherylcruz) noong

Dagdag pa niya, marami-raming tips na raw ang naibahagi ng dalawa lalo na si Sunshine.

“Nagbibigay naman sila ng tips on acting and paano aatakihin 'yung eksena. Parang tinuturing ko na silang mga mommy ko [on set]. Mas malaking factor 'yun sa akin.

“Sabi pa nga ni Miss Sunshine, 'yung mga naexperience natin na cheating sa mga relationships na boyfriend and girlfriend pa lang, iba 'yun sa feeling ng pag mag-asawa na kayo.

“Mas malala 'yun at mas 'di mo kakayanin 'yung sakit kasi doble-doble siya e --nangako na kayo sa harap ng Diyos, nagkaroon na kayo ng pamilya -- lahat.

"So 'yun 'yung mga pinaghugutan ko," pagtapos nito.

#MAGKAAGAW sa Airport!! . . . SWIPE LEFT 👉🏻

Isang post na ibinahagi ni Miss Sunshine Dizon (@m_sunshinedizon) noong

Abangan si Klea Pineda kasama sina Sunshine Dizon, Sheryl Cruz, at Jeric Gonzales sa Magkaagaw sa GMA Afternoon Prime.

EXCLUSIVE: Klea Pineda, excited nang mag-move on sa mature role sa 'Magkaagaw'

IN PHOTOS: The sweetest photos of 'Magkaagaw' stars Klea Pineda and Jeric Gonzales