Celebrity Life

EXCLUSIVE: Kris Bernal, balak i-expand ang kanyang burger business na #MeatKRIS

By MICHELLE CALIGAN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 22, 2017 11:12 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump wants nations to pay $1 billion to stay on his peace board, report says
Girl, 7, hit, run over by pickup truck in Ilocos Sur; dies
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News



Target ni Kris na mag-open sana ng branches ng #MeatKRIS sa Taft Ave., Pasig, and Taguig.

Photo by: Elisa Aquino, GMA Network Inc.

Abala man sa taping ng kanyang upcoming Afternoon Prime series na Impostora, hindi napapabayaan ni Kris Bernal ang kanyang burger business na #MeatKRIS. Sa katunayan, nagbabalak na siyang palaguin ito at magbukas ng ilang branches.

READ: Kris Bernal thanks chef who encouraged her to put up #MeatKRIS

"May plan ako sa Taft area. 'Yun ang next target ko, then Pasig and Taguig," kuwento ni Kris in an exclusive interview with GMANetwork.com.

Pahayag pa ng actress-entrepreneur, kahit mahirap at nakakapagod ang kanyang ginagawa ay nagiging masaya siya rito.

"Sobrang saya, kasi nung una napapagod ako dahil kailangan nandoon ako lagi. Pero ngayon, naiiwan ko na siya. Medyo mabigat pa rin ang trabaho for me kasi ako lang lahat nag-aasikaso, wala akong business partner. I do the inventory, the delivery, computation ng sales receipt every single day. Ako rin 'yung naghahanap ng location if ever may prospect ako na i-branch out. It's all me. Pero ngayon naman naba-balance ko na, nage-gets ko na kung paano."

Thankful din si Kris na tinutulungan siya ng kanyang pamilya.

"Iniwan ko na rin sa mommy ko. Sabi ko, 'Ma, hindi ko na kaya 'tong dalawa. Baka mamaya habang nagte-taping ako, biglang tumakbo ako papunta doon para mag-deliver ng burger patties. Please, tulungan mo na ako.' Very supportive naman ang family ko," saad niya.

MORE ON KRIS BERNAL:

WATCH: Kris Bernal's behind-the-scenes sexy photo shoot in Zambales

Kris Bernal, aminadong nahihirapan sa kanyang mataray role sa 'Impostora'