GMA Logo martin del rosario on voltes v legacy
What's on TV

EXCLUSIVE: Martin del Rosario shares a scene he'd like to recreate in 'Voltes V: Legacy'

By Cara Emmeline Garcia
Published March 16, 2021 1:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Environmentalist sa Negros Oriental, Gipusil Patay | Balitang Bisdak
24 Oras Express: January 16, 2026 [HD]
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

martin del rosario on voltes v legacy


Ano'ng eksena mula sa 'Voltes V' ang gustong gawin ni Martin del Rosario? ALAMIN.

Handang-handa nang gumanap si Kapuso actor Martin del Rosario bilang ang kontrabidang si Prince Zardoz sa live-action series na Voltes V: Legacy sa GMA-7.

Bilang paghahanda, masusing pinag-aaralan daw ni Martin ang kanyang role kaya naman minabuti niyang panoorin muli ang popular Japanese anime na kinalakihan n'ya noong dekada '90.

Aniya sa GMANetwork.com sa naganap na Kapuso Brigade ZOOMustahan, “Hindi naman ako bago sa kontrabida na role, so meron mga nuances na puwede kong i-apply sa dati kong roles.

"Pero definitely iibahin ko si Prince Zardoz, iibahin ko ang attack.

“In terms of preparation, every day nagbabasa ako ng script kasi marami nang script ang ibinigay sa amin.

"Medyo napansin ko sa world ng Boazanians, mas malalim 'yung Tagalog siya. So, I see to it na dinadaanan ko siya at nasasabi ko 'yung words na hindi ako kumportable para pagdating sa set madadalian ako.

“Of course, pinanood ko rin 'yung buong Voltes V series na anime version para meron akong basis.”

Dahil sa kaniyang pagbabalik tanaw, may isang eksena na raw siyang gustong gawin sa set at ito ang big revelation ng kanyang karakter na si Prince Zardoz.

Bitiw ni Martin, “Gusto ko 'yung ending ni Prince Zardoz kasi parang 'yung revelation sa dulo.

"Hindi naman s'ya big spoiler sa atin lahat kasi marami na namang nakapanood na.

“Pero nung nalaman ni Prince Zardoz na tatay n'ya si Ned Armstrong at kapatid pala n'ya sina Steve, Big Bert, at Little Jon.”

Paliwanag ng aktor, “Halu-halo kasing emosyon 'yun na galit ka, na parang frustrated, tapos nalaman mo na ito pala 'yung hinahanap mong pamilya.

“'Di ko alam kung ano'ng magiging emosyon ko pagdating sa set kasi gusto ko maging raw 'yung emotion na mararamdaman ko.”

Sa orihinal na anime, nalaman ni Prince Zardoz na siya ang half-brother ng Armstrong brothers mula sa kanilang ama na si Ned Armstrong, na isa palang Boazanian royal.

A post shared by Martin Del Rosario (@martinmiguelmdelrosario)

Isa si Martin sa mga kumpirmadong aktor na gaganap sa Voltes V: Legacy series.

Kabilang din dito sina Kapuso actors Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Matt Lozano, at Raphael Landicho.

Ang Voltes V: Legacy ay idederehe ni Direk Mark A. Reyes at isinulat ni Suzette Doctolero.

Ang lahat ng materyal na ipapalabas ng GMA Network ay inaprubahan ng Toei Company, Ltd. at Telesuccess Productions Inc.

Alamin ang confirmed cast sa gallery na ito:

Mga Kapuso, kung gusto n'yong maging bahagi sa susunod na Kapuso Brigade ZOOMustahan at maka-chika ang inyong favorite stars, maaring i-message n'yo lang ang Kapuso Brigade sa Facebook, Instagram, at Twitter.