What's Hot

EXCLUSIVE: Max Collins, titigil na ba sa trabaho dahil sa kanyang pagbubuntis?

By Aedrianne Acar
Published February 3, 2020 4:06 PM PHT
Updated February 3, 2020 5:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rachel McAdams is honored with a star on Hollywood's Walk of Fame
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Max Collins and Pancho Magno


Max Collins at Pancho Magno, excited na pagdating ng kanilang first baby.

"Best blessing for 2020."

Ganito isinalarawan ng Kapuso couple na sina Max Collins at Pancho Magno ang pagbubuntis ng aktres this year.

Max Collins: Beauty in Humility

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa dalawa ngayong Lunes, February 3, ibinahagi ni Pancho ang kanyang excitement sa pagiging magulang nila ni Max.

Ikinuwento din niya ang mga pinagdaanan ng kanyang misis sa kanyang first pregnancy.

Saad ni Pancho, “'Yung totoo, sobrang saya ko!

“Pero siya, medyo kinakabahan but I know naman where she's coming from. Hindi naman dream, pero having a family is the goal, 'di ba?

“We are happy na nag-start 'yung year na may ia-add sa family namin. So it is a blessing beyond, alam mo 'yun, all the blessings.”

Nagkuwento din si Max na medyo naging challenging para sa kanya ang first trimester niya.

WATCH: Max Collins, nalampasan na ang sensitibong first trimester ng pagbubuntis

Wika ng Kapuso actress, “'Yung first trimester medyo mahirap kasi madalas ako nagsusuka and nahirapan ako. Feeling ko lagi akong may stomach flu, parang ganun 'yung feeling. But then, now that I'm on my second tri, okay na!

“Mas may energy ako and nagiging parang sanay na ako, so okay. I feel better about that.”

Kahit nagre-ready na si Max Collins sa panganganak niya in a few months, wala pa rin daw siyang planong tumigil sa trabaho.

Ayon sa kanya, lenient ang kanyang doktor when it comes to her work.

“Actually, my doctor is pretty lenient so sabi niya as long as kaya ko then that's fine, kaysa nasa bahay lang ako. So I will still be working naman.”

Dagdag naman ni Pancho, ang mahalaga ay hindi strenuous yung kukunin na trabaho ng kanyang misis para safe ang kanilang baby.

“Saka pili din, huwag lang masyado strenuous na alam niya. Siguro more on huwag 'yung mga action. Hindi natin masasabi even 'yung mga hindi nga pregnant 'di ba, parang delikado lalo na for women.

“So, at least sa kanya. At saka magaling naman siya, sobrang responsible, at naha-handle niya naman.”

EXCLUSIVE: Max Collins and Pancho Magno answer random text messages

WATCH: Max Collins, ibinahagi kung gaano ka-sweet si Pancho Magno

WATCH: Why did Max Collins choose to wear pink shoes on her wedding day?