
Ibinahagi ni Mikoy Morales ang isa sa pinaka-memorable moment niya sa Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento nang personal itong makapanayam ng GMANetwork.com.
EXCLUSIVE: Mikoy Morales, hindi naniniwalang nakakatawa siya?
Gumaganap si Mikoy bilang ang bubbly gay friend nila Chito at Nikki na si Roxy.
Kuwento ng comedian/singer, hindi daw niya makakalimutan nang bumida na ang karakter niya sa isang episode ng Kapuso sitcom.
Sabi ni Mikoy, “Nakakatuwa, actually pinicturan ko 'yun sobrang memorable nun kasi nung first time na i-shoot sa show na nakalagay sa breakdown- Roxy's house, parang may bahay na si Roxy [laughs].
“Nakakatuwa na umabot sa ganun 'yung story, nung una nakaka-pressure pero after pressure mas namotivate na parang I should do better.”
Lagi din bukang bibig ng mga co-stars ni Mikoy Morales na sina Jake Vargas at Julie Anne San Jose kung gaano kasarap katrabaho siya sa set.
Ayon kay Mikoy, hindi na daw nakakapagtaka na naging relaxed ang atmosphere sa taping ng Pepito Manaloto, dahil pinapadali nila ang trabaho ng isa't-isa.
Paliwanag ng Kapuso actor, “Sila din they make it easy like everyone on set, makes it easy. Even the director si Direk Bert [de Leon], everyone I mean the production nararamdaman mo kasi na talagang nandun 'yung tiwala sa iyo ng production and ng show.”
Dagdag niya, “So that alone talagang mabo-boost na 'yung performance mo. Plus sina Jak [Roberto] ganun din, kasi parang 'yung pressure sa Pepito maganda, minsan nga wala. Pero maganda 'yung atmosphere dun pag nagta-trabaho na sobrang yourself lang, sobrang loose.”
Samahan tuwing Sabado ng gabi ang Manaloto family sa kanilang laugh-out-loud adventure sa Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento pagkatapos ng 24 Oras Weekend.