
Todo preparasyon na si Kapuso actor Martin del Rosario sa kanyang biggest role of a lifetime bilang si Prince Zardoz sa nalalapit na live-action series na Voltes V: Legacy.
Kaya naman sa panayam ng GMANetwork.com, ikinuwento ng aktor na big deal sa kanya ang makuha ang role.
Aniya sa naganap na ZOOMustahan, “'Yung una kong natanggap 'yung news na ito, parang may halong nakaka-overwhelm at saka pressure.
“Siguro pressure in a sense na ang 'Voltes V' ay ilang generations na ang nakapanood nito, e. Kahit nung panahon pa nung nanay ko and 'yung mga pinsan ko na mas older sa akin, and even until now na ipapalabas ang 'Voltes V: Legacy.'
“May pressure na dapat tapatan 'yung original na 'Voltes V,' of course, excited and honored na ibinigay sa akin ng GMA Network si Prince Zardoz, na isang napakalaking role.”
Simula nang matanggap niya ang role, sinimulan na ni Martin ang kanyang preparasyon tulad nang pagpapalaki ng kanyang katawan at panonood ng original anime series.
Maliban diyan ikinuwento niya na mayroon siyang tinitingalang popular Marvel villain na gusto niyang ihalo sa kanyang role.
“Actually tinitingnan ko talaga si Loki. Pero siya kasi very cunning,” bitiw ni Martin.
“Si Prince Zardoz kasi, he's very mischievous pero may honor siya. Hindi siya 'yung manloloko. Patas siya na leader and he's a man of his word.
“Kaya 'yung preparation talaga very Loki 'yung tindig na medyo parang may nakakalokong tingin. Pero kailangan ko lang din ibaba 'yung boses ko na one note lower para mas may authority at nasa posture at matatalas na tingin.”
Isa si Martin sa mga kumpirmadong aktor na gaganap sa Voltes V: Legacy series. Kabilang na diyan sina Kapuso actors Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Matt Lozano, at Raphael Landicho.
Ang Voltes V: Legacy ay idederehe ni Direk Mark A. Reyes at isinulat ni Suzette Doctolero.
Ang lahat ng materyal na ipapalabas ng GMA Network ay inaprubahan ng Toei Company, Ltd. at Telesuccess Productions Inc.
Alamin ang confirmed cast sa gallery na ito:
Mga Kapuso, kung gusto n'yong maging bahagi sa susunod na Kapuso Brigade ZOOMustahan at maka-chika ang inyong favorite stars, maaring i-message n'yo lang ang Kapuso Brigade sa Facebook, Instagram, at Twitter.