
Hindi lingid sa kaalaman ng marami na dati nang umarte sa telebisyon ang social media sensation na si Kimpoy Feliciano na nakilala online sa pagpo-post ng mga pick-up lines o love advice.
Kasama ang binata sa pinakabagong primetimes series na Inday Will Always Love You. Kung maaalala n’yo mga Kapuso, napanood si Kimpoy noon sa soap na With A Smile kung saan bumida sina Mikael Daez, Andrea Torres at Christian Bautista.
Sa one-on-one interview ni Kimpoy Feliciano sa GMANetwork.com, nagkuwento siya kung paano niya nasungkit ang role na ito.
Paliwanag niya, hindi niya ine-expect nang i-offer ang role sa Inday Will Always Love You lalo na at nabigo siya sa audition niya sa isang Kapuso soap.
Aniya, “So ‘yung unang reason, nag-audition ako nung last uwi ko for Ang Forever Ko’y Ikaw, so nag-audition ako for a conyo role and a gay role. Hindi ako natanggap.
“And then parang few weeks after nasa New Zealand na ako nun, bumalik kasi uli. And then inoferan ako kung gusto ko pa daw pa rin umarte ng acting role. And then in-ask ko lang kung ano ‘yung role sabi nga best friend ni Derrick (Monasterio) na mayaman. Sabi ko, 'Sure, why not?', siyempre it’s a big role lalo pa nalaman ko it’s with Barbie Forteza, tapos primetime pa.”
Naka-base ang pamilya ni Kimpoy sa New Zealand. Pero kung siya raw ang tatanungin, gusto niya maging artista lalo na kung magtuloy-tuloy ang mga showbiz projects niya rito sa Pilipinas.
“So kung magtuloy-tuloy, that’s what I want din. Kasi this is something that I really enjoy and if kung mabigyan ako ng opportunity na ‘eto na ‘yung maging trabaho ko, then I’ll be really thankful na it’s a blessing. Kasi, sobrang saya lang na ganito ‘yung work mo, so bakit hindi.”