
Inamin ni Solenn Heussaff na nakakaramdam siya ng paninibago sa kanyang pagbabalik taping ngayong new normal.
Nitong Biyernes, December 11, ay nagbalik taping na sa set ng Taste Buddies si Solenn pagkatapos ng one year and two months na paghinto sa trabaho para sa kanyang maternity leave. Sa mga nakaraang episodes ng Taste Buddies ay nag-work from home si Solenn sa pamamagitan ng pag-shoot ng kanyang mga segment sa bahay.
Bukod sa kanyang segments for Taste Buddies, naging abala rin si Solenn sa paggawa ng content para sa endorsements at sa kanyang YouTube channel sa loob lamang ng kanilang bahay.
photo source: @solenn
Sa exclusive messsage na ipinadala ni Solenn sa GMANetwork.com ay ibinahagi nitong excited siya sa kanyang pagbabalik sa show. Pero inamin niyang hindi niya pa rin maiwasan na makaramdam ng pagkapraning habang siya ay nasa labas para magtrabaho ngayong may pandemic.
Saad ng aktres, "Being back on Taste Buddies siyempre naman it's exciting because it's been too long. Mga one year and two months since my last episode. Siyempre nakakapraning din because it's very new to me to get out. Usually nasa bahay lang ako or nasa bahay ng mom ko. Out of my comfort zone ito."
Nakikita naman ni Solenn na safe siya kahit nagti-taping sila sa gitna ng pandemic. Malayo umano ito sa naging simula ng taon noong unang pumutok ang balita na may COVID-19 sa bansa.
"But, it feels safe naman so I am happy to be back. Happy that life is starting to feel a little bit more normal than the beginning of the year."
Sa nakaraang interview ni Solenn bago siya bumalik sa programa ay inamin niya na may mga personal siyang pinagdadaanan sa kanyang buhay ngayong 2020. Sa video ay naiyak ang actress/ host habang nagbabahagi ng kanyang mensahe sa mga fans sa ginanap na Zoomustahan with Kapuso Brigade.
Ayon kay Solenn, umaasa siya na sana ay safe ang lahat at dasal umano niya na matapos na ang pinagdadaanan ng lahat ngayong taon lalo na at may pandemic.
"I hope that everyone is staying safe at home. I'm praying for all of us that this too shall pass very soon...ako, I learned so much this 2020. Kahit mahirap sobrang happy. So yes. Oh my gosh ang weird, sorry guys. As you can see, mahirap."
Abangan ang episode kung saan makakasama na ulit ni Solenn si Gil Cuerva at first time niyang lumabas sa kanyang bahay para sa Taste Buddies soon sa GMA News TV.
Silipin ang naging buhay ni Solenn ngayong quarantine period sa gallery na ito: