What's Hot

EXCLUSIVE: Why is Kyline Alcantara mature for her age?

By Jansen Ramos
Published March 13, 2018 3:29 PM PHT
Updated March 14, 2018 9:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

3 minors stranded while hiking in Bontoc rescued —PNP
Elderly woman loses more than P50K in e-wallet modus
Indonesian rising star Arash Buana to play first-ever international shows in Manila

Article Inside Page


Showbiz News



Kyline Alcantara talks about her humble beginnings before joining show business in an exclusive interview. Read on!
 

A post shared by Kyline Alcantara (@itskylinealcantara) on

Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com, inamin ng 15-year-old actress na si Kyline Alcantara na hindi masagana ang naging buhay nila noon sa probinsya. Lumaki siya sa Bicol at doon na rin nakapag-aral ng elementarya bago lumipat sa Cainta, Rizal.

Tanggap niya ang estado ng kanilang buhay noon kaya't siya mismo ay gumawa ng paraan para makatulong kahit papaano sa kanyang mga magulang. Ang kanyang kinikita mula sa pagbebenta ng school supplies ay kanyang pinangdadagdag sa kanyang baon sa eskwela.

Kuwento niya, "Siyempre po mahirap ang buhay sa probinsya tapos lumipat pa ako dito sa Manila, so wala po talagang pera. Napagdesisyunan ko po na magbenta ng notebooks, pens, coloring books, mga ganyan. Grade 1 yata ako nu'n tapos patago ko siya binebenta."

Ibinahagi din ni Kyline kung bakit nag-mature kaagad siya sa murang edad, "Feeling ko kaya ganu'n na rin ako mag-isip kasi nakikihalubilo po ako sa mga ahead sa'kin. Na-adapt ko na po 'yung qualities nila."

Maski ang kanyang Kambal, Karibal co-stars na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix ay hindi makapaniwala na 15 years old pa lang ang aktres.

"Akala po nina Bianca and Miguel mga 19 or 21 na ko. Iba raw po ako magsalita, iba daw po ako umarte and kumilos. Compliment naman po siya sa'kin," ika niya.