What's on TV

'EXpecially for You' searcher, mas pinili si ex?

By Kristine Kang
Published June 23, 2024 3:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

EXpecially For You guests Vice Ganda and Jhong Hilario


Todo hiyawan ang lahat nang nagbalikan ang mag-ex na sina Bibe at Dudong sa 'EXpecially for You'.

Maraming netizens ang kinilig at nagulat sa mga nangyari sa noontime program na It's Showtime nitong Sabado, June 23.

For the first time ever sa patok nitong segment na "EXpecially for You", ang searcher na si Bibe mas pinili balikan ang kaniyang ex na si Dudong.

Pagkatapos kasi ng huling tanong ni Bibe, lahat ng searchees ay meron nang green flag. Habang namimili na kung sino ang pipiliin niya, nagsalita ang madlang audience na isama rin sa options ang kaniyang ex.

Tinupad naman ito ni Vice Ganda at binigyan niya ang searcher ng 10 seconds para isipin kung sino ang kaniyang pipiliin.

Malakasang hiyawan ang buong studio nang sinagot ni Bibe na gusto niyang balikan ang kaniyang ex na si Dudong.

"Lahat naman sila okay sa akin kaya lang napag-isip isip ko, si Dudong alam niya na ugali ko, paano i-handle ang ugali ko, kung paano ako naging moody, ganiyan. Kaya napag-isipan ko na, why not pagbigyan ko naman ulit ang pagmamahalan na pinutol ko," paliwanag ni Bibe.

Nang tanungin kung gusto rin ni Dudong balikan si Bibe, ang kaniyang sagot "Para sa akin po, siya pa rin at wala nang iba."

Dagdag din niya, "Pangako babawi ako sa iyo. Mahal na mahal kita. I love you. Ikaw lang ang babae nagpasaya sa akin, wala nang iba. Ikaw lang ang minahal ko ng totoo. Pero handa akong pagpatuloy kung ano man 'yung sinira ko noon. Para lang ibalik 'yung pagtitiwala at pagmamahal mo sa akin."

Kinilig at naging emosyonal ang lahat nang nagbati at nagyakapan muli ang couple on stage. Hindi rin napigilang kiligin ang mga host ng segment, lalo na ang Unkabogable Star.

Usap-usapan din ito ng netizens, kung saan ibinahagi nila ang kanilang reaksyon sa plot twist ng love story ng mga guest.

Subaybayan ang It's Showtime Lunes hanggang Sabado sa oras na 12 noon sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

SAMANTALA, TINGNAN ANG MGA ARTISTAHING GUESTS NG EXPECIALLY FOR YOU SA IBABA